| (no subject) |
[Jul. 14th, 2007|06:10 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | blah | ] | lahat naman tayo may mga "off days" kung tawagin e. kumbaga parang napakatae lang ng araw. Wala kanamang ginawang alam mong magpapasama sayo pero sadyang panget lang yung mga nagiging resulta ng bawat galaw mo.
Patunay lang na may mga bagay talagang wala tayong kontrol. Isyu baga ng freewill at destiny.
Gumagawa tayo ng desisyon sa bawat bagay o galaw at yung resulta nun, destiny. Pero ang dapat na tinatatak sa utak, kahit lagi kang may choice at kahit ikaw nagpplano ng galaw mo, may mga bagay na hindi natin hawak. Pero pagkatapos masira ng plano at magkaron ng mga di inaasahang bagay, gagawa nanaman tayo ng bagong desisyon.
yung ngayon? freewill ko lahat ng ginawa ko, destiny ko lang magkaron ng masamang araw. |
|
|
| june 3 |
[Jun. 4th, 2007|10:48 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | extremely happy | ] | bali nagpost ako dito ngayon kasi:
una - matagal tagal narin yung huli kong post na walang kwentang dahilan. pangalawa - hindi ako papayag na hindi ko masulat ang isa sa mga importanteng araw sa buhay ko.
--------------------------------------------------------------------------
isang taon na kami ni aia. cinelebrate namin june 2 kasi ang june 3 linggo.
wala naman....sobrang saya lang!
wala kaming espesyal na ginawa.hindi kami kumain sa mahal na kung ano. hindi nagpunta sa kung saan pang lugar. walang surpresa ng kung anongkabaduyan. wala ngang regalo e! haha. walang pictures. nanuod lang kami ng pirates kumain ng papaitan sa food court, nanuod ng pirates ulit, inikot ang market na ilang beses na naming naikot, nagzagu at tumambay sa may fountain at naghintay ng sundo ko. simpleng selebrasyon lang. para lang masabing may ginawa kami nung first anniversary namin.
pero walang kasing saya. ewan ko. siguro kasi feel na feel kong nagbago ako.
(kung malabo: kasi nung mga nakaraang linggo puro away kami ni aia dahil sa mga kaimtyuran at kasensitiban ko. e narealize kong para kong batang kulang sa pansin kaya inalis ko sa sarili ko yun at nagsimula ulit. simula nun, masaya na ulit kami ni aia at hindi na kami nagaaway.)
o baka dahil parang ang hyper ni aia. oo may mga araw kasing pakyut ako ng pakyut hindi ako pinapansin, mejo tahimik lang. pero nung araw nayun POTA. KATATAWANAN. EWAN.
basta nung araw na yun, maituturing kong isa sa mga pinakamasaya talaga.
kinulang langkami sa oras. pano tong si aia, 11 ang usapan 12 na dumating. late ng isang oras?! puta anung klase ka! buti nalang tinatak ko na sa utak kong hindi na ko magiging imatyur at nagpromise akong wala ng away sa ngayon. kundi nasira siguro buong araw namin. >:) <-demonyo.
minsan nga iniisip ko, taena natatanggal ba talaga sa sarili ang pagkaimatyur kung imatyur ka talaga at yun ang nature mo?kung naiinis ka masasabi mo ba sa loob mong WAG KANG MAINIS? siguro tama nga yung sabi ni fatima at ni aia...kontrol kontrol lang ng sarili at dapat ilagay sa lugar.
kinulang din pala kami sa oras dahil maaga akong sinundo. :(
pero kung tutuusin wala nakong gustong baguhin sa araw na yun. okey lang kahit may mga bagay na plinano naming gawin pero hindi namin nagawa.
ayus din. ayus talaga.
gusto ko pa ng maraming maraming anib.
labyu aia. pakshet. -----------------------------------------------------------------------------
bibili kami ng digicam ni aia! yey! |
|
|
| wawwawwawawaw. |
[May. 19th, 2007|04:29 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | gulat | ] | hindi naman talaga ganun kadrama ang buhay. baka mali ako. pwedeng tama. siguro depende nalang talaga yan sa kung pano natin tingnan lahat.
nakakagago kung pano magbago ang tao. hindi mali yun. nakakakagago kung pano mabago ang tao ng isang bagay.
ang panget na ng eksena. mejo may plastikan pala. sana lang magpakatotoo nalang tayong lahat. mahirap makisama sa taong may nasasasabi na pala sayo pagnakatalikod ka. tapos pagkaharap ka ayus kayo. mahirap seryoso.
ang hirap kumilos pagmaynangmamata sayo.
nakakasawa na ang mga mapangmatangtao. hindi ba pwedeng kanyakanya nalang yan. kala ko nawala na sa mga tao yung ugaling yon. di pala.
tama nga si obri..ang hirap ng malaman kung sinong totoo.
sa totoo lang kung titingnan yung kabuuan.di ka nagbago. andun parin sayo yung ugali mong yun. nabago lang syo yung imahe mo. sakin at sa ibang tao. pero kung ano ka dati, yun kaparin pala.
wala hindi konek konek yang mga yan. |
|
|
| Hindi na ko katulong nars nako. |
[May. 1st, 2007|11:46 am] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | baliw | ] |
| [ | kasalukuyang pinakikinggan |
| | ikaw lamang | ] | Nag-enroll nako kahapon sa ceu. Grabe pala proseso ng pag-eenroll dun. Puta andaming kelangan puntahan na kwarto tapos akyat baba pa. Medyo badtrip lang e. Tapos masmasungit pa yung mga stujante sa mga empleyado at sekyu dun. Baliktad ba o ano. Ayun pero kasama ko naman si aia kaya di gano nakakainit ng ulo..
Pinalitan nga yung section ko e. siguro di na maalis sakin yung pagiisip kung ano naging buhay ko sana sa 1d kun sakaling hindi magiging maganda buhay ko sa 1h. gudluck sakin.
Nakuha ko na din uniform ko na pota garabe sa nipis. See through na nga e. Pati yung pe uniform na pink. Haha. naninibago ako. Lalo na siguro pagsuot ko nayun.
Mamimiss ko din yung pangkatulong naming uniform sa sensko. Kahit ganun yun komportable yun sa katawan. Muka ka lang tanga. Pero ayus lang may pangalan din naman yun.
Meron narin akong class schedule. Hanep lang araw araw ang pasok. Pagsabado, 7-5 pa. putik haaa. Pero ayus lang. may mga araw namang 7-1 at 7-3 lang ako. Chaka hindi nako magrereklamo kasi sa ust may 7-7 sila at 7-5 na wlang break. Waw lang e.
Excited nako. Hindi mag-aral. Excited nako bumili ng gamit. Nyaha. At masexcited nakong kitain si aia ng masmarami pa sa isang araw sa isang linggo.
Aylabyu aia… haha. |
|
|
| KAYO NALANG MAG-AMERIKA. TUTAL GUSTONG GUSTO NIYO. |
[Apr. 26th, 2007|06:11 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | badtrip | ] | Bata palang ako nung tinanong ako ng lola ko kung anong course ang gusto ko sa college. PUTA BATA AKO NUN. Anung alam ko sa gusto kooo. Putik yan. Syempre sinabi ko naman kahit ano. Ni hindi ko nga alam kung anong mga course nun e. Natatak nay un sa mga ulo nila.
May isang araw kwinento sakin ng nanay ko na gusto niya sana maging nurse at magtrabaho sa America. Pero pinakasalan siya ng tatay ko at yung pangakong pagaaralin siya din a natuloy. Kaya dapat daw ako maging nurse na. at wag na mag-aasawa.
Ngayon..Mag-aaral ako ng nursing.
Di ko magets kung bakit gustong gusto ng pamilya kong maging nurse ako at papuntahin sa America. Iba dun puta. Ibang iba. Sigurado ba talagang gaganda buhay naming pagnagpunta ako dun? Sa tingin ko naman kasi ngayon maganda na buhay namin e. Stable.
Nakakakin ng tatlong beses sa isang araw ng matinong pagkain. Hindi naman kami nakasardinas araw araw. Hindi naman kami naguulam ng asin o kaya ng noodles. Nakakalabas paglinggo. Nagsisimba, kumakain sa labas. Pumunta sa malayo layong lugar. May kotse na kami ngayon. Lahat ng kailangan ko meron. May sariling bahay. Nag-aaral lahat ng dapat mag-aral. Hndi din naman sa public. May negosyo. Hindi umaasa sa ibang tao. Siguro minsan kulang yung pera namin. Pero kahit kelan hindi umabot point na grabe.
Hindi paba sapat yun. Ayus nanaman ako dito sa pilipinas sa totoo lang. Ayus ako sa kultura kasi yun na yung nakasanayan ko. Ayus ako sa ingay, kahit sa dumi at baho. Ayos ako sa mga tao. Masaya ako. Hindi nako naghahanap ng kung ano pang karangyaan,
Hindi ko gustong maging magarbo. Hindi ko na gusto ng maraming kotse okaya ng napakalaking bahay. Hindi ko na gusto ng 24/7 na aircon. Okay na sakin kahit hindi plasma yung tv namin. O kaya flat screen ang computer. Ang gusto ko lang para sa sarili ko at kung sa pamilya ko man balang araw, e yung hindi kami mamromroblema sa pera. Stable nga---- kung ano kami ngayon.
simpleng tao lang ako. marunong akong makuntento.
Ang problema kasi sa mga magulang ko. Dinadahilan nila na gusto lang nilang bumuti ang buhay ng mga anak nila. Na partly true. siguro. Pero ang dahilan talaga sa likod nun, gusto nilang sumarap buhay nila. Puro sarap. Nababasa ko yun sa tuwing binabanggit nila ang America.
Hindi bubuti ang buhay ko kung gagawin ko ang isang bagay araw araw na hindi ko naman gusto. ang pagnanars. calling yun. Hindi basta basta na trabaho. Andaming medical malpraktis ngayon. Dahil sa mga engklong na nars na halata namang pera lang ang gusto.
buhay na ng tao ang tinatrabaho hindi gamit na pwedeng masira at ayusin. onting pagkakamali, pwede kang makapatay.
Hindi bubuti ang buhay ko kung marami nga akong pera at nabigay ko na lahat ng gusto(hindi kailangan) ng mga bumuhay sakin. Wala ngang problema kapatid ko sa school dahil ako magpapaaral sakniya. Nakahiga na lang ang nanay at tatay ko kasi ako na nagproprovide ng basic needs nila. Masaya nga sila. Pero pano naman ako? At hindi ba nila trabaho yun.
Hindi bubuti ang buhay ko kung hindi ako masaya.
Karapatan kong makapagaral. Karapatan kong piliin ang gusto ko. Karapatan kong magkaron ng sariling buhay.
Responsibilidad nila na pagaralin ako. Responsibilidad nilang buhayin ako. Responsibilidad nilang i-guide ako. Pero hindi ang piliin lahat para sakin. Kasi kahit alam nila ang nakakabuti masalam ko kung san ako sasaya.
Naalala ko nung bata ako, nagpunta tatay ko sa Saudi. Bumalik siya pagkatapos ng ilang taon. Hindi niya daw kinaya yung lungkot. Matanda na siya nun. Hindi ba nila naisip na ganun din malamang ang mararamdaman ko pag ako naman yung pinapunta nila sa amerika?
Ang swerte swerte ng mga tao na Malaya. Yung suportado ng magulang kung anong gusto nilang maging. Oo, naiinggit ako sakanila sobra. Sa pagpili palang ng school na pag-aaralan. Yung iba kong kklase nagaapply na ng eskwelahan hindi pa alam yung course na gusto. Kahit ano kasi pwede. Naiinggit ako sa mga tao. Tulad nalang ni kuya Lawrence, music yung kinuhang course. E ano bang makukuha mo dun. Pero dahil dun siya magaling, ayus lang sa magulang niya. Hindi sila mayaman.
Galit bako sa mga magulang ko? Malaki lang hinanakit. Andami ko kasing naiisip. Andami kong katwiran.
Pero sa lahat ng sinasabi kong to…sinabi naman sakin ni aia na nasakin parin ang desisyon. may choice parin ako.
Hindi ko paalam kung anong balak ko sa buhay ko. Kasi ngayon nalilito talaga ako. Siguro pansamantala, mag-aaral muna ako ng nursing. Siguro magiging nurse din ako. Pero hindi ako pupunta sa America hanggat maaari. Baka mag-iipon lang ako ng pera ng sarili ko, mag-aaral ako uli. yung gusto ko naman.
Binabalikan ko yung kwento sakin ng nanay ko. Inisip ko, kung hindi man siya nagnursing, kung iba man naging takbo ng buhay niya, kung hindi man siya yumaman….Nagsisisi basiya?
Ay heyt America. Sana lumubog na kayo. At sana umangat na ang pilipinas. |
|
|
| kung inyong mamarapatin. wagniyo na basahin. pero sige. |
[Apr. 24th, 2007|11:43 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | di ako mapakali | ] |
| [ | kasalukuyang pinakikinggan |
| | saturday ay puta sinakto ko pa | ] | Miss ko na si aia. Siryusli. Parang kulang ang oras para saming dalawa. Kulang ang oras samin, kahit na andami dami kong oras na inaaksaya ko lang sa mga bagay na walang kakwentakwenta. Tulad ng paglalaro ng tetris. Putik lang.
Araw araw gigising akong mga 10, kakain lang ako, maliigo(minsan hindi pa =)) ), tapos maghihintay nako sa harap ng computer. Makikinig ako ng mga kantang paulit ulit konang pinakikinggan. Maglalaro ako ng tetris para lang maging okyupado yung isip ko. Ganunlang gagawin ko hanggang 630. hanggang sa makadating siya sa kanila. tapos pagdating niya maguusap na kami.
Isang oras o kaya minsan dalawa. Hanggang sa kakain na siya…hanggang sa hindi na kami makakapagusap ulit kasi gamit na yung telepono namin, may biglaang lakad, may bisita, kung ano ano.
Minsan naiisip ko di ako dapat magreklamo kasi okey na yung ganito kesa naman masmalala pa. kesa naman hindi kami magusap. Iniisip ko nga pano kaya pagpareho na kaming may pasok? Pano pagsobrang busy na naming dalawa? Pano ako pagdumating yung panahon na sobrang dami ng ginagawa ni aia sa school? Thesis. Kaya nga ayus lang sakin ang maghintay ngayon para sa konting oras na makausap siya.
Ayus lang sakin maghintay ng ganun para sa sandali na makakausap siya. Kasi worth it. Hindi nasasayang bawat Segundo. Masaya kasi pagkausap ko siya e. lahat ng bagay na walang sense, nagiging makabuluhan. Kahit yung mga sinasabi kong walang kwenta lang para sa ibang tao. Pagkausap ko si aia parang kausap ko yung utak ko kahit ano pwede kong sabihin.
Baduy lang e. pero sabi nga ni greys. Kung ikaw nasa posisyon ko, ewan ko sayo.
Gusto ko na magsabado. Binura ko na lahat ng lakad ko para sa linggong to. para sigurado akong makakasama ko siya. Sabado. |
|
|
| SIR JABYER RETURNS. |
[Apr. 22nd, 2007|11:06 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | malakas! | ] |
| [ | kasalukuyang pinakikinggan |
| | catenmaws | ] | Buong araw ako nagiisip kung sinong mga taong pwede kong makasalubong. Wirdo nga e. Di ko sinasadya pero ganun talaga ko….wirdo.
Nung umaga, nasa jeep ako papunta kela myka, tapos inisip ko kung makakasabay ko aaliyah kasi pareho kami ng oras na pupunta at pareho kami ng pupuntahan. Pero di kami nagkasabay.
Nung nakela myka kami nagpplano kami ng lakad sa malayong lugar. Kung sakasakaling matutuloy, taka slang yun. Pumasok nadin sa isip naming na baka naman pati dun may makahuli pa samin.
Nung nasa market market kami, inisip ko pwede naming makita si aia o kaya si Justine! Kasi dun naman sila nakatira. Pero wala, dir in namin sila nakita.
Nung pauwi na, nung nasa jeep na kami ni liyah, papuntang hp naisip ko na baka makasabay ko nanaman si kuya aweng. Kasi puta nakasabay ko nay un dati sa jeep papuntang hp na galing buendia. Isusumbong padaw ako sa tatay ko.
Nung nasa hp kami, wala nakong iniisip nun.nyaha. naglalakad lang kami ni aaliyah, tapos nung dumadaan kami sa chowking, bigla akong inalog ni liyah. Tapos tinuro niya yung chowking. Tapos una kong nakita si sir chong(greys kras mo), tapos pagtngin ko sa kaliwa. Napaisip pako ng mga dalawang Segundo kung sino yun e. PUTANGINA. Si sir jabyer kumakaway! Tanginnaaaaaaaa. Dati ko pa iniisip na isang araw makakasalubong ko siya sa hp o kung saan. Putangina nakita nga namin.
Balak ko panaman nun di ako sasama kay liyah at uuwi nalang ako. Balak ko pa nung araw nay un hindi nako sasama sa kanila. Putik. Buti nalang sumama ako. Taena. Trust your instincts ika nga.
Ang sarap din makakita ng mga dating teachers. Lalo na yung mga naging teachers kelan lang. putek talaga ang saya talaga non. Ang saya kasi kilalang kilala niya pa kami. Siya pa una bumati. Taena pag sa skul dati ang suplado titingnan ka lang pagbinati mo.
Matagal tagal din bago kami kumalma ni aaliyah. Tapos nung nagsisimba na kami, mejo nawala na yung excitement.
Kala namin tapos na. puta nung nagcommunion ako nasa kabilang linya sa unahan si ms. Samonte at si ms. Cabral. Putik yan. Nagdadate ata. Jook.
Hay kakaiba talaga yung gabing yun. Expect the unexpected nga. Kung ano yung ineexpect mo, hindi yun yung lalabas. Putik yan. |
|
|
| COLPAKLEGE |
[Apr. 19th, 2007|10:19 pm] |
| [ | kasalukuyang pakiramdam |
| | bouncy | ] |
| [ | kasalukuyang pinakikinggan |
| | bandages - hot hot heat | ] | owshet college nako. malapit na.
mejo nung isang araw lang sakin nagsink in yun.
LUNES.
Sinamahan ako ni greys at drei sa CEU para mainterbyu at magkaalaman na. sa totoo lang kinabahan talaga ko nun. kahit na paulit ulit na saking sinabi ni ateelayns(labyu), na tanggap nako. iba parin talaga dating sakin ng mga interview. Kahit na sinabi na sakin nung katabi ko sa pila na wala na lang tong interbyu dahil tanggap na kaming lahat, kinabahan parin ako. Pero ayus naman. Wala nga talagang kwenta yung interbyu dahil pasok naman ako. badtrip lang under probation pako. CEU na nga talaga ako magaaral akalain ko yun. dati pa namromroblema kami ni aia sa eskwelahan. (tinamo aia sabi ko sayo ako bahala e).
Pero kahit nung mga oras na naghihintay kami sa ceu para tawagin yung numero ko, wala lang sakin. wala parin yung piling na college na.
Nun lang. nung nagpunta kaming mapua tapos kasama na si aia at mapuaboys. nung pinapaulit ulit nila yung "college style" sa bawat ginagawa namin. dun ko lang naisip lahat.
pota college na nga ako. di naman talaga big deal. pero naisip ko lang din kasi yung maraming pagbabago. college. eto na yun. yung nagaaral ka para sa kinabukasan mo. yung hindi mo na kinukwestyon kung bakit mo pa pinagaaralan yung mga tinuturo sayo e hindi mo naman yun gagamitin sa trabaho mo. eto na yun. yung meron ng dagdag na kalayaan. nararamdaman ko ng unti unti ng lumuluwag yung pagkakahawak ng mga magulang ko sakin.
nung araw ngang yun, tineks ko lang tatay ko na gagabihin ako, ok naman sha e. ingat pa nga daw. pero nagalit sakin nun nanay ko. pero wala kunwari lang yun. ewan ko nga kung anong meron sakin nung araw na yun. lakas lang ng loob ko. taena may hinihintay kasi akong eksena. di talaga ako aalis dun hanggat di nangyayari. e yun. nangyari naman. diba greys. haha.
ayus din talaga. eksayted nako pumasok. di dahil eksayted nako maging nars. gusto ko na pumasok kasi lagi na kaming magkikita ni aia(sabi mo yun diba?). gusto ko na pumasok kasi gusto ko na ng konting kalayaan. eto na nararamdaman ko na..
PS
hello nga pala kay obri at grace. nainspire ako. sinipag ako mag-lj ulit. nyahahaw. |
|
|
| he is hers. |
[Mar. 18th, 2007|11:20 am] |
|
eto ang araw na pinakilala ko na si aia sa pamilya ko. |
|
|
| batch reco |
[Mar. 16th, 2007|08:06 pm] |
Ang wirdo ng pakiramdam na alam mo ng mangyayari yung isang bagay pero kinakabahan ka padin. Pati yung ayaw mo pero hinahanap mo. wirrrrd.
Nakapagkumpisal na nga pala ako. Pwede na ko ulit kumain ng katawan ni kristo. Ang tagal narin kasi nung huling pwede. Pano yung huling kumpisal ko bago kanina e last last year pa. pakshit lang. siguro kasi lagi lang akong hindi handa para ipagtapat mga kasalan ko. Pero ngayon nagawa ko na, ang sarap. Parang ang linis ko lang.
Pumunta mga magulang. Surprise ata yun. Pero alam naman na namin. Yung iba walang magulang. Ako meron. Pumunta tatay ko. Bonding nga kami hanggang uwian e. Sakto yung timing ko na magpaalam sa save me everytime, pinayagan ako. Naawa ako sa magulang na parang walang pakelam yung anak. Tsktsktsk. Di ko gaganunin magulang ko shet lang.
Ayus din yung batch reco. Bonding time with sir Javier. Wuhoo. Yun talaga yung pinakamasaya e. nyahaha. Matanda na nga ata talaga siya. Habang nakaupo kami sa sahig biglang napatayo e…..nirayuma. hahaha. Di ako naiyak, o nalungkot, masaya lang kanina. Ayus din. Nakakatamad lang yung mga parts na si tita alma yung nagfacilitate. X X X X X ---di ko kinaya. |
|
|